Linggo, Nobyembre 20, 2016

Tips para makatipid at makaipon ang estudyante

Ang mga dapat gawin upang makapag-ipon ang estudyante:
1.Mag-budget-ang paglilista ng mga bagay na bibilhin sa loob ng isang  lingo ay makakatulong upang mamonitor ng maigi ang pera.
2.Alamin ang prayoridad-bilhin lamang ang mga bagay na kailangan hindi yung kung gusto mo ay bibilhin mo dahil maaring makabawas ito sa iyong pera.Huwag kang makipagsabayan sa mga kaklase mo kung alam mo na wala ka namang pera para bilhin ang kaya nilang bilhin isipin mo na lang ang mga mahahalagang bagay na dapat paglaanan ng iyong pera.
3.Mag-alkansya-ito ay isa sa napakamahalaga dahil maari kang kumuha dio kung ika'y ay kinapos.Kung ang baon mo ay 60 sa isang araw maghulog ka agad ng 20-30 sa ganitong paraan makokontrol mo ang iyong paggagastos.Ito ay makakatulong sayo kahit papaano dahil kapag ikaw ay kinapos ikaw ay may madudukot.Diba?hindi naman lahat ng baon mo ay nauubos kaya maari tayong makapaghulog kahit papaano.
4.Humingi ng student discount-ito ay pwede maging sa pamasahe ibang bilihin.Ito rin ay makakatulong upang makatipid ka sa mga gastusin gamitin mo ang iyong i.d. upang ikaw ay makahingi ng discount sa tinder.
5.Magbenta ng mga bagay na hindi na ginagamit-maaring sa online shopping mo ibenta ang mga damit,sapatos at iba ngunit dapat ay maayos at magagamit pa upang makadagdag sa iyong pera kung kinakailangan.
6.Maghanap ng part time job-ito ay makakatulong upang makapag-ipon ka ngunit siguraduhig hindi ito makakaepekto sa iyong pag-aaral.Habang ikaw ay walang ginagawa maaari kang magtrabaho sa umaga at nag-aaral sa gabi o di kaya naman nag-aaral sa umaga at nagtatrabaho sa gabi para may dagdag kita ka kung ikaw ay kinakapos.
7.Umiwas sa mga lakad/gala-ito ay makakabawas lamang sa iyong budget dahil hindi ito importante.

1 komento:

  1. How to make money from betting sites that offer this
    How to make money from betting sites that offer this. How to make money งานออนไลน์ from gambling sites that offer this. How to make money from betting sites that offer this. How to make money from

    TumugonBurahin